Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Ngayong buwan ng Agosto, ating ating gunitain at ipagdiwang ang BUWAN NG WIKA upang bigyang halaga ang ating wika, ang FILIPINO.
Ang
wikang Filipino ay kayamanan ng ating bansa, hindi ito matutumbasan ng
ginto o salapi at hindi rin ito mananakaw. Ito rin ang isa sa
makakapagpatunay na tayo ay Pilipino. Ngunit ang ating wikang pambansa
ay nagbabadyang maalis dahil sa mga wikang banyagang iniimpluwensyahan
ang sambayanan. Madalas na ginagamit ng mga kabataan ngayon ay ang mga
wikang banyaga gaya ng Inges at Korean. Ipaalala natin sa kanila ang
mga kabutihang dulot nito, na sa paggamit ng wikang Filipino lubusan pa
nilang maunawaan ang yaman ng ating kultura. Ang pambansang wika
ang sumisimbolo ng pagiging matatag at pagkakaisa ng ating bansa.
Nawa'y
ating gamitin ng wasto ang wika natin hindi lamang ngayong buwan ng
wika kundi araw-araw. Taas-noo tayong magsalita ng ating sariling wika.