Wednesday, 27 August 2014

FILIPINO: Wika ng Pagkakaisa


       Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Ngayong buwan ng Agosto, ating ating gunitain at ipagdiwang ang BUWAN NG WIKA upang bigyang halaga ang ating wika, ang FILIPINO.

             Ang wikang Filipino ay kayamanan ng ating bansa, hindi ito matutumbasan ng ginto o salapi at hindi rin ito mananakaw. Ito rin ang isa sa makakapagpatunay na tayo ay Pilipino. Ngunit ang ating wikang pambansa ay nagbabadyang maalis dahil sa mga wikang banyagang iniimpluwensyahan ang sambayanan. Madalas na ginagamit ng mga kabataan ngayon ay ang mga wikang banyaga gaya ng Inges at Korean. Ipaalala natin sa kanila ang mga kabutihang dulot nito, na sa paggamit ng wikang Filipino lubusan pa nilang maunawaan ang yaman ng ating kultura. Ang pambansang wika ang sumisimbolo ng pagiging matatag at pagkakaisa ng ating bansa.

           Nawa'y ating gamitin ng wasto ang wika natin hindi lamang ngayong buwan ng wika kundi araw-araw. Taas-noo tayong magsalita ng ating sariling wika.

1 comment: